Monday, October 12, 2009

bakit nga ba sinasabit ang "hanger"?

Palagi natin itong nagamit, sa tuwing tayo ay mag sasampay ng ating mga damit o di kay ay kung meron tayong nais patuyuing gamit na nais nating isabit. pero, isang tanong ang sumagi sa aking isipan, "kung bakit nga ba sinadabit ang " Hanger ". Basahin niyo ang alamat na ito.

Noong unang panahon, hindi pa uso ang mga "hanger". Ni wala pa ngang "hanger" noon na maitatawag. Isang araw, pumunta si Mayumi sa ilog upang maligo, kasama niya ang kanyang mga kapatid na Mapera, Mabansot, at ang pinsang nilang si Mabaho. Sila ay puro babae, nuong mga panahong iyon kasi, bawal ang mga anak na kalalakihan bilang pagsunod sa kautusan na puro kababaiahan lamang ang may karapatang mag-hari sa kagubatan. Si Mayumi ang pinaka panganay sa mga ito. Siya din ang pinaka maganda. Si Mapera naman ang pinaka galante at ang pinka maayos sa kagamitan. Si Mabansot naman, kahit siya ang pinakamaliit, ay hindi matatawaran ang katalinuhan. Habang ang kanilang pinsang si Mabaho ang pinaka pangit, mula sa panlabas na kanyuan hanggang sa kanyang ugali.

Habang sila' y naliligo, naisipan ni Mayumi na hugasan na din and kanyang kasuotan. Dahil panganay, sinunod siya nila Mapera at Mabansot. Dahil ginagawa na ng magkakapatid ang pag-hugas sa kanilang kasuotan, hindi na rin naiwasan ni Mabaho ang gumaya. "Hinidi naman natin kailangang gawin ito!" pagalit na wika ni Mabaho. "Narito tayo sa ilog upang maligo at magsaya, hindi upang magtrabaho!" Nagulat ang magkakapatid sa inasal ng pinsan. "Kailangan mo ding hugasan ang iyong kasuotan paminsanminsan." wika ni Mayumi. "Ang panget na nga ng pangalan mo, ang baho mo pa!" sabay tawa ng mga magkakapatid. Nagalit si Mabaho, ayaw niyang maniwala na pangit siya at mabaho.

dahil dito, nag-isip si Mabaho ng paraan upang makaganti sa pangungutya ng magkakapatid. "Sige na nga!" wika nito. "Lahat tayo ay maghuhugas ng kanyang kasuotan, subalit ang maunang magpapatuyo nito at magpapakita na ito ay malinis ay kailangang umalis at lumayo sa pamilya." Nagulat ang magkakapatid sa sinabi ng kanilang pinsan. "Sige, tinatanggap namin ang hamon mo, Mabaho!" pasigaw ni Mapera. Sumangayon naman ang mga kapatid nito.

Muli, naghugas ng husto ang magpipinsan upang matiyak na magiging malinis ang kanilang kasuotan. Unang natapos sa paghuhugas si Mayumi, sinundan ni Mapera at ni Mabansot. 'Saan naman natin ito ilalagay upang madaling matuyo? " patanong ni Mabansot. "Ilagay natin sa ilalim ng lupa!" wika ni Mayumi. "Ang init ng singaw ng lupa ay makakatulong upang madaling matuyo ang ating mga kasuotan." Umaplma ang kanyang ate at sinabing, "Oo, makakatulong nga iro, subalit pabilisan at palinisan ang laban, magiging madumi ito dahil malalagyan ng lupa." Sumang-ayon naman ang dalawa.

Sa kabilang panig, nag-iisip na din si Mabaho kung paano niya mapapatuyo ang kanyang kasuotan ng marinig niya ang usapan ng magkakapatid. narinig niyang sa lupa ilalagay ng mga ito ang kanilang kasuotan. Ginaya niya ito, at sinabing, " Kailangan kong manalo, kundi ako ang mapapa-alis sa angkan." Ipinatong niya ito sa batuhan gaya ng ginawa ng kanyang mga pinsan. "Mayumi, Mapera at Mabansot!" ang tawag ni Mabaho. "Bakit, Mabaho?" ang tanong ni Mayumi. "Tutal, pare-pareho tayong maghihintay dito, bakit hindi muna kayo kumuha ng ating makakain, mas masarap kung may kinakain tayo habang naghihintay, hindi ba?" Agad namang tumugon si Mapera at Mabansot at dali-daling pumunta ng kabundukan upang kumuha ng prutas. Pamimingwit naman ang ginawa ni Mayumi.

Habang abala ang magkakapatid, minabuti ni Mabaho na gumawa ng paraan upang hindi agad matuyo ang kanilang kasuotan. Kinuha niya ito at sinabit sa mga baging sa katabing puno upang sabihin na nilipad ito ng hangin. "Haha, ako na ang mananalo dito, tiyak na mas mainam ang init ng