Tuesday, February 2, 2010

tulaan sa blog. unang labas.

Ang mg tulang inyong mababasa ay gawa-gawa ng malikhaing isip ng may akda. Ito ay orihinal at lalong hindi ginaya.

"Buksan"  ni james dayag

Ibigay mo ang pangarap sa taong wala nito.
Ibigay mo ang pag-ibig na meron ka.
Ibigay mo ang hangin na iyong nilalanghap.
Ibigay mo ang pangako na siyang sinambit.

Ang bawat pangarap ay hindi lamang para sayo.
Ang puso ay hindi lamang para sa pag-ibig.
Ang hangin ay nariyan lamang.
Ang pangako ay pinipili at binabali.


"Antok" ni james dayag

Lilingon ako, wala ka.
Tatayo, tatalikod.
Muli akong umupo, yumuko.
Dahan-dahan pumikit.
Natulog.

"Engot" ni james dayag

Binuksan ko ang pinto, iyon pala'y bintana.
Tumapak sa lupa, ako'y nakayapak.
Tumakbo ng matulin, hinabol ang saranggola.
Hindi na ako bata, sila'y humalakhak.

"Walang Gabi" ni james dayag

Umaga ng ako'y gumising.
Sikat ng araw, nasilayan.
Init ng hangin, naramdaman.
Muli akong natulog, kinahapunan.
Gumising dahil sa init.
Umaga na ulit.

"Liwanag" ni james dayag

Takot ang nananaig.
Dilim ang nanguna.
Paano pang sisigla.
Liwanag ay nawala na.

"Araw" ni james dayag

Nakaupo sa Luneta.
Pinapanuod ang alon.
Tumayo at tumalon.
Natapilok, bumangon.
Nasilayan ang araw, palubog.
Gaya ng buhay.

No comments: